JE # 122 – Feel Mo na ba ang Pasko?

Malamig na ang simoy ng hangin. May mga Christmas sale. Naglipana na rin ang mga snatcher at holdaper.

Feel mo na ba ang pasko?

Makulay ang paligid, excited ang lahat. Pero ang pasko ba ay nasa kulay, petsa, pera o pagsasaya?

Meron akong nakausap nung isang araw na ayaw daw ng Dios na magsaya ang mga tao kaya di sila nagdiriwang ng Pasko. Ang babaw naman. Ayaw pa ng Dios na magsaya tayo? Well, magsasaya tayo ng di nagkakasala. Pero may wisdom din yung sinabi nia. Marami sa mga ginagawa mga Kristiyano tuwing Pasko ay malayong-malayo na sa orihinal na unang Pasko.

Ang mga tao ay nagiging greedy at materialistic sa panahong ito. Bakit kaya? Pag pasko, natanim na sa isip ng tao na dapat meron sya nito, meron sya nun. Magrereklamo kung maliit ang 13th month pay. Magrereklamo kung walang bonus. May Kris Kringle na pahirapan pang maghanap ng kung anong mga something-something. May exchange gift na minsan ayaw pa ang regalong natanggap. Parusa! Eh di magkanya-kanya na lang ng bili para sa sarili ng walang reklamo. Remember, during the first Christmas, the wise men, Mary and Joseph did not exchange gifts. The wise men gave gifts without expecting something in return. Well, if you’re generous enough, give without expecting something. Naimbento lang nman ang exchange gifts na yan para walang lugi, lahat makatanggap. Naalala ko dati, may nagregalo ng bulok na saging. Galit na galit ngaun ang nkatanggap. Nasan kaya ang Christmas dun?

Aktibo na rin ang mga holdaper at snatcher. Sympre, hndi rin pahuhuli ang mga yan. Parang hndi kumpleto pag wala silang handa o kung anumang bagong material na bagay pagsapit ng Pasko.

Ang iba eh malungkot dahil malamig ang Pasko kasi wlang boyfriend/girlfriend. And nakakalungkot inispend ng iba ang Pasko sa motel para gumawa ng kasalanan.

Sa panahong to ang dami ring nanghihingi. Minsan nakakainis na. Makikita mo ang isang grupo na ito na may Christian sa pangalan na humihingi ng donation. Sa isang araw eh tatlong beses ko atang nakakasalamuha ang mga ito. Idagdag mo pa ang ilang kababayan nating Badjao na pag hndi mo nabigyan eh mumurahin ka pa. Ganito ba ang Pasko?

Feel mo ba ang Pasko?

Nag-evolve na nga ang Pasko. Ano ba ang gusto kong iparating? Ang Pasko ay hindi panlabas. Ang Pasko ay hindi nakikita sa abundance ng pera o ng regalo. Ang pera ay inimbento para gastahin. Pero hindi para sa mga walang kwentang bagay. Gastahin sa tamang paraan. Treasure must be enjoyed. Sabi sa Ecclesiastes 2:24

There is nothing better for a man, than that he should eat and drink, and that he should make his soul enjoy good in his labour. This also I saw, that it was from the hand of God. Ecclesiastes 2:24 (King James Version)

Gusto ng Dios na tayo’y nag-eenjoy. Nag-eenjoy na hindi nagkakasala.Nag-eenjoy sa tamang paraan at sa pamamaraan ng Dios.

Mahalagang iconsider natin ang Pasko bilang panloob na bagay. Bakit may Pasko? Dahil may Jesus na dumating sa mundo at nakasama natin.

John 1:14

And the Word was made flesh, and dwelt among us, (and we beheld his glory, the glory as of the only begotten of the Father,) full of grace and truth.

Siya ang dahilan kung bakit may Pasko na madalas ay nakakaligtaan ng marami dahil naging busy sa kung anu-anong party. Nabusy sa pagbabalot ng mga regalo. Busy sa paghahanap ng taong magpapainit ng kanilang Pasko. Walang masama sa pagsasaya. Aalalahanin lang natin ang dahilan kung bakit natin ipinagdiriwang ang season na ito.

Real Christmas is the dwelling of Christ within us. Yun lang naman eh. Ibabalik ko ulit ang tanong “Feel mo na ba ang Pasko?” Si Kristo ba ay nasa puso mo na at nananahan diyan sa buhay mo? Nagliliwanag ba Siya at nakikita ng iba sa yo? Kung oo, feel na feel mo ang Pasko!

But as many as received him, to them gave he power to become the sons of God, even to them that believe on his name: John 1:12 (King James Version)

Once you receive the Lord Jesus as your Lord and Savior, ikaw ay may tunay na Pasko. Having Jesus everyday is experiencing Christmas day by day. Feel na feel mo ang pasko araw-araw! Sana ganito tayo araw-araw. Marami ang naglo-long na sana araw-araw Pasko. Hindi dahil gusto nilang maexperience ang Savior everyday but because of the material things they receive on Christmas season.

This season, mag-isip-isip kung ano ang mas mahalagang pagtuunan ng pansin sa buhay. Huwag sayangin ang buhay sa mga walang kwentang bagay. Life is a gift. Enjoy and treasure each day by living it for Jesus.

Colossians 1:16

For by him all things were created, in the heavens and on the earth, things visible and things invisible, whether thrones or dominions or principalities or powers; all things have been created through him, and for him.

I don’t demonize Christmas celebration. Gawin lang natin ng tama. Remember: Christmas is all about Jesus!

Tags:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: